Kagabi...
Z: Bakit ikaw 'pag tumawa, parang naka-smile lang sa camera?
B: Ha? Paanong naka-smile?
Z: Tignan mo oh, nakalabas lang teeth mo pero 'yung mouth mo hindi wide open. Ako 'pag tumatawa nakanganga. Pano ba 'yung ganyan?
B: Hehe! Paano ba 'yan? Parang may formula lang.
Z: Sabi mo nga noon 'yung tawa ko sa text na "bwahahaha!" akung ako.
B: Oo! Naalala ko nung nasa Tribune ka pa, ang lakas lakas mong tumawa. Walang ka-poise poise.
Z: Hmmm...panget ba?
B: Huh? ... Eh ... Tignan mo naman, ngangang-nganga ka nun tumawa. Hehehe!
Z: Bwahahaha! So panget nga! Eh kasi naman 'no, kapag tumawa ako nang kagaya sa iyo, parang ang peke. Hihihihi! ... Hihihi! ... O kitams? Parang ang plastic.
B: Haha! Pero cute naman. Kasi ang liit liit mo pero ang lakas lakas mong tumawa.
Z: Malakas? Tahimik lang naman ako sa Tribune ah.
B: Tahimik, except kapag natawa ka na. Kasya 'yung desk mo.
Z: Bwahahahaha!
B: Ay hindi, telepono lang pala. Hehehe! Dun ko nga naisip na hindi pala ako attracted sa mahihinhin.
Z: Nyahahaha! Salbahe.
B: Pero ang weird ko nga ano...
Z: Dahil may gusto ka sa akin?!!!
B: Hindi. Kasi ayoko sa maingay. Pero 'pag tumawa ka noon, hindi naman ako naa-annoy.
Z: Eh kasi nga genuine ang tawa ko. Walang halong pagpapapansin! Hahahaha!
B: Haha! Sabagay! Simple ka lang kumilos noon.
Z: Ano naman ang "simpleng kumilos."
B: Wala nagtatrabaho ka lang.
Z: Eh ano naman gagawin ko sa Tribune? Syempre magtrabaho lang.
B: Kumain ng desk?
Z: Hahahaha! At telepono.
B: May tawa ka pa ngang walang sound. Alam mo ba 'yun? Bukang buka bibig mo sa katatawa pero walang lumalabas. imitates me
Z: Nakapikit ba ako nun?
B: OO! imitates me again
Z: May iba pa bang ganyan tumawa?
B: Haha! Bakit na-conscious ka bigla?
Z: Hindi 'no? Inaalam ko lang kung unique ako.
B: Unique ka. May times pa nga tumulo laway mo!
Z: Hindi ako 'yon!
B: Ows? Sino?
Z: Si Mikko!!!
B: Hahahaha! Eh kanino nagmana?
M: Kay Mama!!!
No comments:
Post a Comment